Bumuo ng probe committee ang National Capital Region Police Office para malaman kung may nalabag na polisiya ng PNP si Bgen, Nicolas Toree III kaugnay ng pagsasagawa ng press conference kasama ang dismissed na pulis sa road rage incident.
Ayon kay NCRPO PIO Chief PLTCOL Eunice Salas, mayroon silang memorandum kaugnay sa media relations at parte rito ang pagsasagawa ng pressconference.

Dapat rin aniyang nagkaroon ng koordinasyon dito ang QCPD ngunit sinabi ni Salas , wala umanong nangyaring ganito.
Samantala, sinabi naman ni PNP Spoeksperson PCol. Jean Fajardo, pag-uusapan pa sa pagitan ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. at Sec. Benhur Abalos Jr. ang pagsusumite ng courtesy resignation ni Torre.
Maaalalang sinabi ni Acorda na pag-aaralan niya muna ito.
Si QC Mayor Joy Belmonte naman ay iginagalang na ang desisyon ni Torre sa pagbibitiw niya sa pwesto bilang QCPD Chief.