MOA para sa localized peace engagement, nilagdaan ng PCO, PIA at OPAPRU

Lumagda sa isang memorandum of agreement o MOA ang Presidential Communications Office o PCO, Philippine Information Agency o PIA at ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity o OPAPRU, para sa localized peace engagement.

Layon nitong maging epektibo ang ang pagpapakalat ng impormasyon patungkol sa effort ng gobyerno sa pagkamit ng kapayapaan sa bansa.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sa speech ni PCO Secretary Cheloy Garafil, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng epektibong komunikasyon bilang isang catalyst para sa pagbabago, partikular sa mga conflict-affected areas sa bansa.

Umaasa rin ang kalihim na makakatulong ang partnership sa mga dating rebelde at kanilang mga pamilya habang sinusubukan na mamuhay ulit ng normal.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Ang collective efforts daw ng mga ahensya ng gobyerno ay may potensyal na baguhin hindi lamang ang mga indibidwal na kapalaran kundi pati na rin ang kapalaran ng ating bansa.

Samantala present din sa signing sina OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr. at PIA Director General Jose Torres Jr.