Senador – tiniyak na ilalabas nila sa tamang panahon ang koneksyon ng illegal POGO sa dating napakalaking imbestigasyon sa Senado

Tiniyak ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na ipiprisenta nila sa tamang panahon ang seryosong implikasyon ng mga napapabalitang paglabag sa karapatang pantao, labor standards, human-traffickicking at iba pang may kaugnayan na isyu ng korapsyon at kapabayaan sa tungkulin sa loob ng gobyerno.

Mababatid sa naging pagdinig ng kanyang komite ay sinabi niyang may nakikita silang koneksyon sa mga nagsisilabasang illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa nagdaang napakalaking imbestigasyon sa Senado sa nakaraang Kongreso.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Alinsunod nito, tiniyak ng senador na ilalabas nila sa tamang panahon ang tungkol dito lalo na’t isa itong malaking isyu.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Maalala, naitanong din ni Hontiveros sa nakaraang pagdinig na posibleng may mataas na opisyal na protectir si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, bagamat hindi niya ito pinangalanan ay ipinakita niya sa imbestigasyon ang larawan ng alkalde kasama si dating Pangulong Rodrigo Duterte na mukhang kuha pa sa isang bahay.