Senador, suportado ang mandatory ROTC ni VP Duterte

Suportado ng baguhang senador na si Senator Robin Padilla ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Padilla, naihain na umano niya ang kanyang sampung prayoridad na panukalang batas sa ika-19 na Kongreso kabilang ang ROTC Act.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Aniya, simula pa lang ito kung saan tutukan, aaralin at isusulong niya ang mga adbokasiya para sa mga Pilipino.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Samantala, sinabi niya na kabilang sa mga ito ang patuloy na pagtaas ng petrolyo, problema sa agrikultura at food security kung saan talamak ang diskriminasyon. (ARGIE ERGINA)