Senador suportado ang “civil unions” pero hindi sa kasal ng mga miyembro ng LGBTQIA+

Nagpahayag ng suporta si Senator Joel Villanueva sa “civil unions” para sa same-sex couples pero hindi umano sa “marriage” partikular na sa religious aspect.

Ito ay matapos na ihain ni Senator Robin Padilla ang panukala na naglalayung ma-institutionalize ang civil unions ng same-sex couples.

Para sa senador, naniniwala umano siyang ang kasal ay exclusive sa pagitan ng lalaki at babae.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Samantala, binigyang diin nito na ang panukalang batas ay kailangan ng suporta at pagbusisi mula sa lahat ng sektor, lalo na sa religious communities.

Nabatid na sa kanyang Senate Bill 449 o ang panukalang Civil Unions Act, binigyang diin ni Padilla na sa ilalim ng 1987 Constitution hindi nabanggit ang Sexual Orientation, Gender Identity, Gender Expression and Sex Characteristics (SOGIESC), pero hindi pinagbabawalan o isinasantabi ang civil partnerships o unions ng same-sex couples.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Para kay Padilla, nais nitong kilalanin ang civil union sa pagitan ng dalawang tao ng same o opposite sex para ma-enjoy umano nila ang kanilang karapatan, proteksyon at prebilihiyon na ibinigay ng batas.