Inilatag ni Renato Solidum Jr. ang kanyang mga top priorities sa harap ng pagtake over sa Department of Science and Technology (DOST).
Ito ay kinabibilangan ng food security, agriculture, transportation, at renewable energy.
Ayon kay Solidum, na magkakaroon sila whole of government at whole of society approach para maresolba ang mga pressing problems sa lipunan.
Sa usapin ng food security, tinukoy nito ang Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development bilang mga ahensya na makakatulong na mapaganda ang bgaong teknolohiya para makapagtanim ng palay at iba pang crops, at tutukan ang local alternatives para sa imports gaya ng niyo, kamoteng kahoy at sweet potato flour.
Sa Clean energy naman, ipagpapatuloy ng DOST ang kailang research sa mga sources ng alternative at renewable energy, at bubuo ng waste-to-energy production para sa small kilowatt machines para makatulong sa mga remote areas na nananatiling wala pang power sources.
Samantala, isusulong ng bagong talagang DOST chief ang hybrid technology gaya ng electric trains at mga sasakyan, para sa transportasyon.
