Senador paiimbestigahan ang pagkapanalo ng 433 bettors sa PCSO Grand Lotto noong Sabado

Maghahain si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ng resolusyon na layung paimbestigahan, kung papaanu nanalo ang 433 bettors sa P236 million na PCSO Grand Lotto jackpot.

Giit kasi ni Pimentel, na ang tsansa ng mahigit 400 katao na makakuha ng parehong winning numbers ay ‘one in a billion.’

Read More:  Death toll from habagat and Bagyong Inday rises to 26

Para sa senador, kataka-taka umano ang naturang resulta.

Una nito, na noong Sabado ng gabi na 6/55 lottery draw na may winning combination na 09-45-36-27-18-54 ay nasa 433 ang mga nanalo na maghahati-hati sa grand prize na P236,091,188.40.

Giit ng mambabatas, na kailangang makuwestiyon ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kung ang draw noong Sabado ay lucky pick dahil ito umano ay maaring walang random.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Paliwanag ni Pimentel, na ang layunin ng inquiry ay matukoy kung ang naturang authorized gambling activities sa bansa ay may integridad.

Samantala binigyang diin PCSO na ang insidente ng pagkakaroon ng 433 jackpot winners ay “natural occurrence” kasabay ng paninindigan na walang iregularidad na nangyari, bagama’t ito umano ay unprecedented.