Senador, naniniwalang magiging malaking tulong laban sa pambu-bully ng China ang paglagda sa RAA

Kumpiyansa si Senador JV Ejercito na maituturing na isang ‘welcome development’ ang ginawang paglagda sa Reciprocal Access Agreement (RAA).

Anya, bilang third world country ang Pilipinas ay mahalagang makakuha ito ng sapat na tulong at alyansa mula sa mga kapareho nitong mag-isip na bansa.

Dagdag pa niya, malaki ang tiwala niya na makakatulong ang kasunduang ito sa paglaban sa pambu-bully at agresibong aksyon ng China laban sa Pilipinas.

Maalala, sa ilalim ng RAA, papahintulutan ang pagsali ng mas marami pang Japanese forces sa Balikatan exercises at maging pagpaabot nila ng humanitarian assistance kung kinakailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *