Inamin ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, Vice Chairperson, Senador Christopher ‘Bong’ Go na labis siyang nakakaranas ng pagkabahala sa kamakailang isyu na kinasasangkutan ng Philippine National Police (PNP).
Kasunod ito sa naging pagpaalis ni PNP Chief Rommel Marbill sa pitumpu’t limang police security naka-deploy kay Vice President Sara Duterte.
Matapos itong mangyari ay pinaalalahanan ng senador ang PNP na manatiling tapat sa kanilang tungkulin at iwasan ang pagpapagamit sa ibang indibidwal para sa kanilang pulitikal na agenda.
Anya, tulad ng kanyang paalala sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay dapat ‘wag maging selective ang PNP at dapat lang umanong gawin ng mga ito ang tama nang walang pinapanigan.
Malinan pa roon, pinayuhan din niya ang mga ito na maging propesyonal at unahin ang kapakanan ng bawat mamamayang Pilipino.