Senado, tiniyak na walang sentibong impormasyon ang naapektuhan sa di umano’y hacking ng kanilang website

Kinumpirma ng Mataas na Kapulungan na tama ang naging pahayag ni Department of Information and Communications Technology (DICT), Assistant Secretary, Renato Paraiso na walang dapat ikaalarma sa di umano’y naging hacking sa kanilang website.

Ayon kay Senate spokesperson, Atty. Arnel Jose Bañas tanging mga dokumento tulad lang ng transcripts ng committee hearings, journals ng plenary session at iba pang legislative documents ang na-access ng hacker.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Taliwas ito sa sinabi ng Deep Web Konek na nagdadala ng sensitive legislative documents ang mga na-access mula sa Senado.

Read More:  Imee Marcos questions ‘Pax Silica’ project, warns of environmental risks

Kasunod nito, tiniyak ng nasabing institusyon na mas paiigtingin nila ang kanilang cybersecurity measures laban sa mga ganitong sitwasyon.

Matatandaan, ayon sa DICT, ang grupong DeathNote Hackers ang pumasok sa website ng Senado at nag-extract ng usernames at logs ng mga empleyado.