Pumalo na sa mahigit isang bilyong piso ang tinatayang halaga ng pinsala ng Bataan oil spill sa lalawigan ng Cavite.
Ito ang inihayag ni Governor Jonvic Remulla sa update ng epekto ng oil spill sa lalawigan.
Dahil dito, nanawagan ang gobernador sa may-ari ng lumubog na MT Terra Nova na magbigay ng kaunting malasakit sa mga lubhang naapektuhan ng oil spill.
Sa ngayon ay nasa maayos na ang estado at ligtas ng kainin ang mga isdang huli sa Cavite.
Ayon sa gobernador, ito’y base sa kaniyang pakikipag-usap kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel matapos ang halos isang buwang kalbaryo ng mga mangingisda mula sa affected areas sa lalawigan.
Samantala, pinag-aaralan pa rin ang paghahango ng iba’t ibang uri ng mga shell fish tulad ng halaan at tahong.