Senado, nanindigan na hindi na ibabalik ang CIF ng OVP at DepEd

Nanindigan ang senado na hindi na maibabalik ang 2024 national budget para sa Office of the Vice President at Department of Education na pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte.

Sa kabuuhan nasa P1.23 bilyon nahalaga ng Confidential at Intelligence Funds ang inilipat sa mga ahensya na may kinalaman sa national security.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Isinusulong din ng ilang senador na dagdagan ang pondo ng Arm Forces of the Philippines at Philippines Coast Guard.

Samantala, pag-uusapan naman kung pwede pang ibalik ang P300 milyong pondo ng Department of Information and Communications Technology matapos itong mag-apela na ibalik ang kanilang CIF dahil sa banta ng cyber security attacks sa bansa.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Sumang-ayon naman ang ilang senador na pag-aralan muli ang pagbabalik sa confidential fund ng DICT.