Mga tauhan ng gobyerno na tumulong para makatakas si Alice Guo, hindi lang masisibak sa serbisyo, kundi kakasuhan din – PBBM

Hindi lang masisibak sa serbisyo kundi kakasuhan din ng pamahalaan ang mga tauhan ng gobyerno na sangkot sa pagtakas ni Alice Guo sa Pilipinas.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Ito ang idiin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ambush interview matapos ang situation briefing sa NDRRMC sa Kampo aguinaldo.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang kanilang ginawa ay labag sa batas at salungat sa interes ng judicial system ng bansa.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Sinabi pa ng Punong ehekutibo na inihahanda na ng pamahalaan ang pagpapabalik ni Guo sa Pilipinas.