Senado, all-set na para sa canvassing ng national elections

Handang-handa na ang dalawang Kapulungan ng Kongreso para sa isasagawang canvassing o ang pagbibilang ng mga boto para sa presidential at vice-presidential race ngayong halalan.

Ipinasilip ang storage areas kung saan ay iiimbak ang mga election documents.

Itinayo ang mga locked cages sa 2nd floor ng gusali ng Senado at sa basement parking para masigurong secured ang mga certificate of canvas at election returns na gagamitin sa opisal na pagbibilang ng mga boto.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ayon kay Senate Secretary Myra Villarica, bente-kuwatro oras na ila-live stream ang pasilidad para makita kung sino ang lalabas at papasok para sa pagiimbak ng mga dokumento.

Sa oras na maipasok na sa mga cages ang mga election documents, wala nang sino mang makahahawak nito, hanggang sa mismong araw ng pag-transfer nito sa Kamara.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Mula rito, magco-convene ang dalawang Kapulungan ng Kongreso bilang National Board of Canvasseers.

Tuloy naman ang pakikipag-ugnayan ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza sa counterparts nito sa Senado, at mg atauhan ng COMELEC para masigurong ligtas na maililipat ang mga election documents, at maayos na maisasagawa ang bilangan.

Mababatid na ang NBOC ang siyang magbibilang, at ang magpo-proklama sa plenaryo ng mga magwawaging national candidates.
#