LEGAZPI CITY – Tiniyak ng Legazpi City Sports Division Office na hindi magkukulang ang kanilang pondo para sa mga atletang sasabak mula sa zonal meet bukas hanggang sa Palarong Bicol sa Abril.
Ito ang inihayag ni Legazpi Sports Division Office Sports Officer Francisco Dexter Sison sa Brigada News FM Legazpi. Ayon sakanya, sa totoo nito’y nagsosobra pa nga ang kanilang budget.
Para umano sa City Meet, mayroon pa silang sobrang pondo na nasa PHP200,000 at pinag-iisipan pa nila kung saan ilalaan ang sobra.
Dahil dito, pinasasalamatan umano nila ang lokal na gobyerno ng lungsod dahil sa all out support nito.
Tiniyak din ni Sison na pagdating sa mga pasilidad, handang-handa na Sports Division ng Legazpi para sa zonal meet bukas.
Samantala, nakatakdang magsimula ang zonal meet mula Pebrero 1-3, at susundan ng City Meet sa Pebrero 16-19.