Lalaki, arestado sa drug buy-bust ops sa Tiwi, Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang lalaki sa drug buy-bust operation sa Purok 8-B, Martinez Subdivision, Brgy. Tigbi bayan ng Tiwi Albay.

Kinilala itong si alyas “Boyet” na nagbentahan sa poseur buyer ng isang medium heat-sealed transparent sachet na may laman na pinaniniwalaang “marijuana” sa halagang PHP500.

Read More:  Classes called off in parts of Negros Occidental as ST Inday strengthens habagat

Nang magkaabutan na ng item dito na inaresto ang suspek at narekober sa kanya ang maliit na brown pouch na may lamang apat na sachet ng suspected “shabu” at non-drug items.

Read More:  Over 1,200 displaced as monsoon rains swamp Negros; Classes, sea travel suspended

Ang suspek at ang mga narekober na droga ay nasa kostudiya Tiwi MPS para sa kaukulang disposisyon.