Kumpiyansa si Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian na nasa loob pa rin ng bansa si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ito ay sa kabila ng bigong pagtunton sa kanya ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) sa kanilang isinagawang pagsisilbi ng arrest order sa residential at garment factory nito.
Ayon kay Gatchalian, malabong makalabas ito sa gitna ng hold departure order sa kanya maliban na lang kung gagamit ito ng backdoor tulad ng Tawi-Tawi.
Maalala, ipinasilip kahapon ng OSAA ang detention facility na posibleng pag-istayan ni Guo at ng kanyang kapamilya kung sakaling maaresto ito o boluntaryong sumuko sa Senado.
Sa nasabing pasilidad, makikita ang tatlong bunkbeds pagbukas ng pinto at mayroon din itong sariling cr, lababo at maging dining table habang airconditioned din ito.