Kinwestiyon ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang misinformation at kawalan ng malinaw na guidelines mula sa Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagkakaaresto ng dalawang tauhan mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito’y matapos nilang i-escort ang Senador gamit ang motorsiklong may police stickers sa Paranaque City.
Hinimok ni Tolentino si PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo na itama ang “inaccurate information” na kumakalat sa publiko.
Iginiit kasi ni Fajardo sa isang press conference ng PNP na nakasuot ng uniporme ng pulisya ang mga rider ng MMDA, isang pahayag na itinanggi ni Tolentino dahil nandoon mismo siya nang maganap ang insidente.
Samantala, magsasagawa rin ang MMDA ng sarili nilang imbestigasyon hinggil sa kanilang mga tauhan.
Bagama’t nakalaya na ang dalawa upang mabigyan ng pagkakataon na magpaliwanang, sinabi ni Fajardo hindi pa sila lusot sa nasabing kaso.
