Beauty Queen sa Nueva Vizcaya hindi naitago ang kilig nang haranahin ni Ian Veneracion

Kinagigiliwan online ang fangirling at crowning moment ng isang kandidata sa Saniata Ti Nueva Vizcaya 2024.

Hindi kasi mapigilan ng 22-anyos na si Melar Clair Romero ang kanyang kilig ng haranahin ng aktor na si Ian Veneracion.

Paulit-ulit na nihayakap at napalambitin pa ang kandidata ng makatabi ang Aktor.

Samantala, noong inanunsyo naman ang nanalo inakala naman ni Romero na first runner up lamang siya at ang katunggali niya ang kinoronahan.

Ang mga manonood pa nga ang nasabi na siya ang nanalo sa naturang patimpalak.