Sen. Sonny Angara, nag-assume na bilang bagong DepEd Secretary

Buong pagpapakumbaba na tinanggap ni Senador Sonny Angara ang katungkulan bilang bagong kalihim ng Department of Education (DepEd) ngayong araw sa isinagawang turnover ceremony.

Anya bilang tugon sa tiwala na ipinagkaloob sa kanya ng Pangulo ay tiniyak niyang magsasagawa siya ng mga pagbabago at reporma na naayon sa layunin ng isang ‘Bagong Pilipinas’.

Read More:  1 in 4 vehicles sold in the Philippines were electric vehicles in 2026

Dagdag pa niya, pag-iibayuhin din niya ang mga programa na magsusulong sa mataas na kalidad ng karunungan ng mga mag-aaral sa bansa.

Read More:  Palace says Baste Duterte’s ‘I don’t know’ defense could set dangerous example

Samantala, hindi rin naman niya kinalimutang bigyang-pagkilala si dating DepEd Secretary, Vice President Sara Duterte at ang mga outgoing officials ng kagawaran dahil sa kanilang naging paglilingkod.