May naging tugon si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa naging reaksyon ng ilang mga mambabatas sa naging pagpapaliban ng konstrukyon ng New Senate Building.
Sa naging pahayag kasi ng tinatawag nilang ‘Young Guns’, naniniwala silang dapat na munang i-review ang naging paglobo ng hanggang P23Billion sa pondong kinakailangan para sa construciton ng bagong gusali sa Taguig City.
Sabi ni Pimentel – dapat ay pagtuunan na muna ng pansin ang umano’y ‘dramatic increase’ sa budget ng House of Representatives.
Lumobo raw kasi sa P28Billion ang pondo ng HoR, mula sa P16Billion na pondo.
Inulit ni Pimentel ang pahayag ng apat na Kongresista na dapat ay masigurong walang masasayang na pondo mula sa Kaban ng Bayan, pero sa pagkakataon ito – ang tinutukoy naman niya ay sa Kamara.
Ang ‘Young Guns’ bloc ay binubuo ng tatlong House Assistant Majority Leaders na sina Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun, Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon, La Union 1st District Rep. Paolo Ortega ; at si 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez.