DSWD – nilalatag na ang listahan ng mga buntis at nagpapa-breastfeed na inang makasasama sa 4Ps

Patuloy ang pangangalap ng datos ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa bilang ng mga buntis at nagpapa breastfeed sa bansa upang maisama sila bilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino program o 4Ps.

Sa Bagong Pilipinas program, sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao, batay sa datos ng 4Ps sa national program management office, merong mahigit 28 thousand na mga buntis at mahigit 108 thousand na mga batang nag eedad 0-2 years old.

Paglilinaw ni Dumlao, pwede pa anyang mabago ang nasabing numero, dahil nagpapatuloy pa ang pagkalap nila ng datos sa mga beneficiaries.

Nabatid na inaprobahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang rekomendasyon ng DSWD na palawakin ang 4Ps at isama ang mga buntis at nagpapasuso sa mga benepisyaryo.

Ipinunto ng DSWD na layon nilang matulungan ang mga buntis at matutukan ang first 1000 days ng mga sanggol, para sa malusog nilang paglaki.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *