PBBM – nilagdaan na ang batas na layong pag-isahin bilang Negros Island Region ang Negros Occidental, Negros Oriental, at Siquijor

Nilagdaan ngayong hapon ni Pangulong Bongbong Marcos ang RA 12000 o ang Negros Island Region act.

Ginanap ang ceremonial signing ngayong hapon sa ceremonial hall ng Palasyo ng MalacaƱang .

Sinaksihan naman ang paglagda ng mga mambabatas mula sa mababa at mataas na kapulungan.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos na long overdue na ang pagsasabatas ng NIR.

Layon ng batas na pag isahin ang mga probinsya ng Negros Occidental, Negros Oriental, at Siquijor bilang isang administrative region, upang mas mailapit ang government services sa publiko.

Samantala, maliban sa Negros Island Region Act, nilagdaan din ng Pangulo bilang batas ang Real property valuation and assessment reform act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *