Mga impormasyon ng 4Ps ng gobyerno, pinaniniwalaang naapektuhan ng data leak sa PSA

Patuloy ang ginawang pakikipagtulungan ngayon ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa iba’t ibang ahenysa ng pamahalaan para matukoy kung paanong nagkaroon ng data leak sa isa nilang system.

Kabilang sa mga kumikilos na ngayon ang National Privacy Commission, National Computer Emergency Response Team-Philippines (NCERT-PH) ng the Department of Information and Communications Technology (DICT), at the Anti- Cybercrime Group of the Philippine National Police (PNP).

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Bagaman una ng lumabas na mayroong nakuhang 42 bilyon na files mula sa PSA ng grupong Diablox Phantom ay tanging naapektuhan lamang nito ang Community based Monitoring System (CBMS) ng ahensya.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ang CBMS ay bahagi ng data gathering system ng PSA sa local level para sa mga proyekto ng gobyerno gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.