Naglabas ng memorandum ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa mga bangko at iba pang financial institutions laban sa posibleng vote buying at vote selling.

Base sa kautusan, pinatitiyak ng BSP na hindi magagamit ang mga transaksyon sa bangko maging digital cash applications at online banking sa pagbili ng boto sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa Oktibre-30.
Ilan sa pinababantayan ng BSP ang mga biglaan at maramihang account registration sa isang lugar, malalaking cash transactions sa araw ng halalan at kahina-hinalang dami at laki ng halaga ng cash outs.
Kung maalala, kahapon nagsimula na ang campaign period para sa BSKE kaya mas pina-iigting na ang monitoring sa maaring mga iligal na aktibidad sa halalan.