Sen. Imee – tumangging mapabilang sa ‘Alyansa’ slate ni PBBM

Inanunsyo ni Senadora Imee Marcos sa kanyang bagong post na mas pinipili niyang maging malaya at tapat para sa bawat Pilipino.

Kasunod nito, tumanggi muna siya mapabilang sa slate na inilabas ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Read More:  Ridon urges Marcos to consider expelling Chinese Embassy staff over online attacks

Ayon sa senadora, ayaw niya ring makaramdam ng ‘alinlangan’ ang kanyang mga ‘tunay na kaibigan’.

Read More:  DFA warns of possible diplomatic actions amid Chinese Embassy’s remarks against Philippine officials

Pero paglilinaw niya, taus-puso ang kanyang pasasalamat sa pangulo sa patuloy na pagtatanggol nito at pagsama sa kanya sa alyansa.