Kinumpirma ni Senate President Migz Zubiri na nagpositibo sa COVID-19 si Senadora Imee Marcos.
Sa plenary session ng Senado, inanunsyo ni Zubiri na na-infect din ang Senadora at nakararanas ito ng ‘raging fever’ o mataas na lagnat.
Dahil dito, hindi muna nakadalo nang personal si Marcos sa sesyon at umattend lamang virtually.
Ayon kay Zubiri, sumulat umano sa kanya ang Senadora para makapagpaalam at nagtanong kung maaari bang hindi na ito magbukas ng kanyang camera.
Si Marcos ang ikalawang Senador na nagpositibo sa COVID-19 sa mga nagdaang linggo matapos ni Senador Alan Peter Cayetano.
‘Di pa naman tiyak sa ngayon ang ginagawang contact tracing at monitoring matapos ang mga aktibidad ng Senadora nang mga nagdaang araw kabilang na ang promotion ng pelikulang ‘MAlD lN MALACAÑANG’
#