Oil price rollback; Tapyas sa Meralco bill, kasado na!

Kasado na ang panibagong round ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sumula bukas.

Sa abiso, mayroong rollback na P2.10 sa kada litro ng gasolina.

Mayroon namang tapyas na P2.20 sa kada litro ng diesel; at P2.55 sa bawat litro ang ibabawas sa kerosene.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Alas-sais ng umaga bukas ipatutupad ang oil price adjustment sa Pilipinas Shell, PetroGazz, at sa SeaOil; habang alas-otso naman ng umaga sa CleanFuel.

Asahan namang ngayong hapon ay mag-aanunsyo na rin ang iba pang oil companies.

Samantala, good news din para sa mga konsyumer ng Meralco dahil mayroon ding 21 centavos na tapyas sa singil nito sa kada kilowatthour na konsumo.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Magre-reflect ito sa August Bill at resulta ng ibinawas sa generation charge.

Ibig sabihin, kung ikaw ay kumokonsumo ng 200kwh, aabot sa halos P42 ang ibabawas sa iyong bill ngayong Agosto.
#