Sen. Hontiveros, tiyak na hindi matatahimik ang buhay ni Guo hanggat hindi ito humaharap sa Senado

Hindi na umano nagulat si Senadora Risa Hontiveros sa natuklasan ng Commission on Elections (COMELEC) na iisa lang ang fingerprint ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at ang Chinese national na si ‘Guo Hua Ping’.

Anya, bago pa kase ito ay napatunayan na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang isinagawang dactyloscopy na pareho lang ang fingerprint ng dalawa sa ilalim ng siyensiya.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Ngunit sa kabila nito, kinikilabutan pa rin ang senadora dahil nakuhang makaupo sa pwesto ng isang Chinese national sa isang bayan sa Pilipinas.

Kasunod nito, tiniyak niyang patuloy lang sila sa pagsasagawa ng pagdinig sa Senado dahil sinasalamin lang nito ang pagkukulang ng Philippine Statistics Authority (PSA) at COMELEC sa kanilang tungkulin.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Samantala, kumpiyansa naman si Hontiveros na hindi kailanman matatahimik ang buhay ni Guo hangga’t hindi ito humaharap sa Senado kaya naman muli siyang nanawagan dito na magpakita na.