Oil spill sa Bataaan, nananatiling under control ayon sa PCG

Nananatiling ‘under control’ ng pamahalaan ang nangyaring oil spill kasunod ng paglubog ng barkong MT Terra Nova sa Bataan.

Ayon kay Coast Guard Station Bataan Lt Commander Michael Encina, ‘on top of the situation’ pa ang gobyerno lalo’t puspusan na ang metal capping para sa mga napinsalang valve ng oil tanker.

Read More:  Yellow and red alert status in Luzon grid further Extended

Sinabi ni Encina na mula 2 gallons per minute na tagas ng langis, naibaba na ito sa 1 liter per hour na lamang ito.

Nagiging maingat ang PCG sa ginagawang pagtugon sa oil spill, kapag natapos na ang pagkakabit ng metal capping ay saka nila masisimulan ang siphoning o ang paghigop sa industrial fuel mula sa lumubog na motor tanker.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Tuloy naman ang paghahatid ng tulong ng DSWD sa mga mangingisda at komunidad na naapektuhan ng oil spill.

Kabilang dito ang limanlibong food packs sa limay, bataan at 26 thousand food packs na hiniling ng Cavite Provincial Government.