Sen. Hontiveros, nanawagan kay Duterte na tigilan na ang pagtatanggol sa China

Pinatitigil na ni Senate Deputy Minority Leader Senadora Risa Hontiveros si dating pangulong Duterte sa pagsasabi na mas maayos ang West Philippine Sea (WPS) noong termino niya.

Ayon kay Hontiveros, kung babalikan ang naging termino ni Duterte ay malinaw na makikitang dito nagsimulang magmukhang ‘Chinese puppet’ ang Pilipinas sa international community.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Dagdag pa niya, sa panahon din na ito nangyari ang harassment ng Chinese Navy vessels sa mga mamamahayag.

Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Kaugnay nito, nanawagan siya kay Duterte na tigilan na ang pagtatanggol sa di umano’y ‘best friend’ nitong China dahil malinaw na wala namang napala ang bansa rito.