Muling pinaalalahan ni Senate Committee on Health Chairperson, Senador Christopher “Bong” Go ang gobyerno tungkol sa importansya ng pagkilala sa malalim na kahalagahan ng mental health sa bansa.
Ayon kay Go, hindi lang dapat ang physical health ang pagtuunang pansin ng health sector dahil importante ring matiyak ang mabuting kalagayan ng mental health ng bawat mamamayang Pilipino.
Ito ay matapos ang patuloy na pagtaas ng kaso ng anxiety, depression at iba pang mental health condition.
Kaugnay nito, binigyang-diin ng senador na importanteng magkaroon ng reinforcement sa pagpapatupad ng RA 11036 o Philippine Mental Health Act.
Ito ay upang mabigyan ng nararapat na karapatan ang Pilipino na maka-access sa mental health care sa bansa.