Bilang ng mga pasahero sa ilang mga terminals – patuloy na dumarami

Umakyat na sa normal traffic na 5,000 kada araw ang bilang ng mga pasaherong gumagamit ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) limang araw bago ang Kapaskuhan.

Ayon sa awtoridad, nitong nakaraang December 15 ay nakapagtala sila ng mahigit 114,000 na pasahero sa PITX at lumobo naman din ito agad sa 135,000 pagtapak ng December 16.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Kaugnay nito, inaasahan nilang aabot sa 2.6 milyon ang gagamit nito ngayong holiday season.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Samantala, patuloy naman ding pinaalalahan ng management ng PITX ang ang publiko na siguraduhing sa official website lang nila mag-book upang hindi mabiktima ng anumang panloloko o pagnanakaw.