Sen. Go ipinaalala sa mga Filipino na vaccination lamang ang susi para makabalik sa normal na pamumuhay

Muling ipina-alala ni Senador Christopher Bong Go sa mga Pilipino na magpabakuna laban sa COVID-19 ngayong patuloy ang pagpapalawak ng pamahalaan sa national  vaccine program nito.

Ayon sa Senador dapat hindi sayangin ng publiko ang pagkakataon na mabakunahan kapag kwalipikado na ang mga ito sa listahan na inilabas ng ng gobyerno katulad ng mga economic frontliners at mga essential workers.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Binigyan diin ng mambabatas na ang bakuna lamang ang susi upang makabalik sa normal na pamumuhay ang mga Pilipino.

Kapag marami nang mabakunahan, mas marami din umanong sektor ng ekonomiya ang pwedeng mabuksan.

Inihalimbawa ni Go ang United States kung saan pinapayagan na muli ang mga tao na makadalo sa mga event katulad ng NBA games dahil marami na ang fully vaccinated sa naturang bansa.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Hindi umano dapat matakot sa bakuna ayon kay Go, bagkus ay dapat mas katakutan ang COVID-19 na isa umanong nakamamatay na sakit.