Pinaalalahanan ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang publiko na mag-iingat sa epektong dala ng hagupit ng Bagyong Carina.
Ayon kay Go, dapat lang ding sundin ng mga ito ang paalala ng gobyerno tulad ng paglikas sa kanilang lugar kung kinakailangan.
Nanawagan din siya sa pambansang pamahalaan at ibang ahensya na tulungan ang mga Pilipinong labis na maapektuhan nito.
Kasunod nito, iminungkahi niya ang pagkakaroon ng sariling kagawaran tulad ng Department of Disaster Resilience para matiyak ang isang maayos na koordinasyon sa mga ganitong pagkakataon.
Dagdag pa niya, sa pamamagitan nito ay mabibigyan agad ng tulong ang mga nasalanta ng bagyo o iba pang kalamidad at sakuna.