Inianunsyo sa publiko ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang mga apektadong ruta ng kanilang mga byahe ngayong araw.
Kung saan kabilang dito ang mga rutang pa-Nasugbu, San Jose, Nueva Ecija at ilang traditional jeepney routes.
Kasunod nito, kanselado muna ang mga byahe sa mga nasabing ruta dahil sa matinding ulan na dala ng Bagyong Carina.
Samantala. on hold muna rin ang ilang byahe papuntang Baguio City, Olongapo City at maging sa Dagupan at San Carlos, Pangasinan dahil inaantabayan pa ang paghupa ng baha.
Matatandaan, dahil sa tindi ng ulang dala nito ay baha na hanggang tuhod o baywang ang ilang lugar sa Metro Manila.
Pinaalalahanan naman din ng North Luzon Expressway (NLEX) ang mga motorista na hindi na passable ng anumang sasakyan ang Balintawak Northbound, Balintawak Southbound, Valenzuela Northbound, Valenzuela Southbound, Meycauayan Northbound, Meycauayan Southbound at Marilao Southbound.
Pansamantala na rin munang siinara ang NAIA Terminal 4.
Dahil dito, ayon sa Cebu Pacific, ay inilipat na muna ang ilang flights ng CebGo sa NAIA Terminal 3.
Mayroon na ring mga kanseladong flights ang CebPac ngayong araw.