Rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Red Cross sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila bunsod ng masamang panahon na pinaigting ng bagyong Carina.
Sa Delpan at Baseco sa Maynila ay naghatid ng hot meals ang mga tauhan at volunteers ng Red Cross para sa apatnaraan at apatnapung indibidwal na nasa evacuation centers.
Nagpadala rin ng mga rescue vehicles at iba pang assets tulad ng 6×6 multi-purpose response trucks ang PRC sa Malabon upang tulungan ang mga binahang residente.
Na-rescue naman ang mga stranded na indibidwal sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong sa tulong ng Emergency Response Unit ng Red Cross.
Samantala, itinaas na ang alert status sa lahat ng local chapters ng PRC para sa relief operaations.
Para sa mga nangangailangan ng mabilis na responde at iba pang tulong, maaaring tumawag sa Red Cross hotline 143.