Naniniwala si Senador Win Gatchalian na malaki ang papel ng mga paaralan sa pagpapanatili ng seguridad ng bawat mag-aaral mula sa hazing.
Ito ay matapos ang pagkamatay ng Criminology student na si Aldrin Bravente na dumaan umano sa isang fraternity initiation rites.
Ayon kay Gatchalian, sa ilalim ng anti-hazing law, layunin ng bawat pampaaralang institusyon na magbigay ng information campaign tungkol sa pinsala ng hazing sa lahat ng mag-aaral at magulang o guardian.
Kaugnay nito, nanawagan ang senador ng mas maigting na aksyon mula sa mga ito upang maiwasan ang mga nasabing insidente ng hazing.
Maalala, namatay si Bravente dahil sa Hematoma matapos itong isugod sa Chinese General Hospital.