Matapos madawit ang pangalan ng kanyang long-time girlfriend sa isyu nila Herlene Budol at Rob Gomez, may pasaring si Senator Sherwin Gatchalian sa mga netizens na patuloy iniintriga ang kanilang relasyon.
Sa Instagram nitong Martes, nagpost ang senador ng litrato ng baso ng whiskey, kalakip ang caption na patama sa mga ayaw tumigil sa kakatsismis.
Saad nito, “Cheers to the bashers, bitters, negas at mariteses… Ang anghang ng chicharon.”
Maalalang una nang naglabas ng pahayag ang senador at dineklarang “fake news” ang sabi-sabing may lihim na relasyon ang kasintahan sa aktor na si Rob.
