CJ Cansino at Francis Lopez, humingi ng tawad hinggil sa ‘mask grabbing’ video

Humingi ng tawad sina Francis Lopez at CJ Cansino ng University of the Philippines Fighting Maroons sa nangyaring mask-grabbing sa isang carnival sa Subic, Zambales.

Ayon sa dalawa, pinagsisisihan nila ang kanilang nagawa kaya’t gumagawa rin sila ng paraan upang personal na humingi ng tawad sa nasangkot.

Sa isang vlog na in-upload ni Cansino sa kanyang YouTube channel, nakita ang mga manlalaro sa isang carnival sa Subic, kung saan sila sumakay ng horror train.

Agresibong kinuha ng players ang suot-suot na maskara ng isang staff, kaya’t agad itong pinuna ng mga social media users.