Sen. Estrada – humingi ng paumanhin sa publiko dahil sa di umano’y pangvi-victim blaming niya sa mga biktima ng pang-aabuso

Batid ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na naging ‘harsh’ at ‘insensitive’ siya sa pakikipag-usap kina Sandro Muhlach at Gerald Santos na kapwa biktima ng pang-aabuso.

Kasunod ito sa naging huling pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media ni Senador Robin Padilla.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Ngunit paglilinaw niya, ang kanyang ipinakita ay isa lang ‘passionate approach’ na siyang taliwas sa paniniwala ng iba na nambi-victim blame siya.

Agad namang humingi ng pasensya ang senador dahil dito at nilinaw niyang wala siyang intensyon na balewalain ang mga naranasang pang-aabuso ng mga ito.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Anya, bilang parte siya ng industriyang ito ay gusto lang din niyang maresolba ang problema hinggil dito.