Sen. Dela Rosa, inaming tinitingala niya si Quiboloy bilang appointed son of God

Nilinaw ni Senador Ronald Bato Dela Rosa na hindi niya masasabing malalim ang samahan nila ni Apollo Quiboloy kahit na matagal na niya itong nakikita noon.

Pagpapaliwanag ni Dela Rosa, dati kase ay hanggang tingin lang siya rito.

Read More:  BIR removes 12% VAT on allowable system loss charges in electric bills

Ngunit sa kabila nito ay inamin niyang tinitingala niya si Quiboloy bilang appointed son of God at bilang ka-Davaoeño.

Dagdag pa niya, malaki ang respeto niya rito bilang ito ay kilalang spiritual leader.

Read More:  3 dead, 6 injured in Banga National High School shooting; Grade 11 suspect among fatalities

Maalala, isa si Dela Rosa sa mga tumutol sa pag-cite in contempt kay Quiboloy dahil sa kadahilanang “immaterial” ito dahil wala siyang nakikitang ‘in aid of legislation’ dito.