Sen. Bato – wi-nelcome ang ‘di pagbalik ng bansa sa ICC

Wi-nelcome ni dating PNP chief, Sen. Ronald Bato Dela Rosa ang paninindigan ng Malacañang na hindi na babalik ang bansa sa pagiging miyembro ng International Criminal Court.

Kasunod nito, maituturing umanong ‘good news’ ng senador ang pagtanggi ng Palasyo na isumite ang findings ng quadcom hearing hinggil sa extrajudicial killings.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Pero anya, sa kanyang paniniwala, hindi kontrolado ng Pangulo ang galaw ng Kamara pero bilang siya ang chief architect ng foreign policies ay tiyak niyang dadaan ang mga ito sa kanya.

Read More:  Teodoro on reported China ban: ‘I have no plans to go there’

Samantala, hihintayin na lang umano ni Dela Rosa ang sinasabing ‘solid evidence’ laban sa kanila nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Christopher ‘Bong’ Go hinggil sa naging extrajudicial killings.