COMELEC at Miru Systems, hinimok na magpaliwanag kasunod ng pag-atras ng STCC

Nananawagan ng transparency mula sa Miru Systems Co. Ltd. at Commission on Elections (Comelec) ang Civil society organization na “Right to Know, Right Now!” tungkol sa status ng kanilang joint venture agreement.

Ito ay kasunod ng pag-atras ng St. Timothy Construction Corporation mula sa halos P18-bilyong kontrata para sa 2025 national at local elections.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Ayon sa pamunuan ng organisasyon, kailangang ilabas ang lahat ng mga detalye kung ano ang pangyayari at nagaganap ngayon sa kontrata dahil wala ng sasalo ng financing matapos ang withdrawal ng STCC.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Sa kasalukuyan, nagpadala na ang grupo ng omnibus freedom of information request sa Comelec para sa data, mga dokumento, kasalukuyang status nito, mga pagbabago at mga update ng kasunduan sa joint venture ng komisyon sa Miru Systems.