Indian national na wanted sa kasong kidnapping ng kanyang kababayan, arestado sa Las Piñas City

Arestado ang isang Indian national na wanted sa kasong kidnapping ng kanyang kababayan.

Naaresto ang suspek sa isang food court sa kahabaan ng Alabang-Zapote Road, Pamplona 3, Las Piñas City.

Kinilala ni Southern Police District Director, Brigadier General Bernard Yang, ang suspek na si alyas Sivarishi.

Naaresto ang dayuhan sa sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong kasong Kidnapping and Serious Illegal Detention AT Kidnapping for Ransom, na inisyu ni Judge Victor Aguba ng Regional Trial Court, Branch 255, Las Piñas City noong Oktubre 11, 2024.

Walang inirekomendang piyansa sa mga kinakaharap na kaso ng dayuhan.