Sen. Bato: Ex-PRRD – walang kinalaman sa POGO!

‘I don’t think they can implicate the former good president.’

‘yan ang paniniwala ni dating Philippine National Police (PNP) chief, Senador Ronald Bato Dela Rosa hinggil sa pag-uugnay kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa paglabas ng pangalan ng naging economic adviser nitong si Michael Yang sa isyu ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Kasunod ito sa naging pahayag ni Senadora Risa Hontiveros na natuklasan nilang may direktang transaksyon si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kapatid ni Michael Yang na si Hongjiang Yang.

Read More:  Ombudsman suspends Senate Sgt.-at-Arms Aplasca

Ayon kase kay Hontiveros, possibleng ipinapakita lang ng kaugnayang ito na ang kapatid ni yang ang nagpondo sa pgpapatayo ng Hongsheng Gaming Technology sa Bamban na siyang ni-raid ng awtoridad dahil sa iligal na operasyon.

Anya, kung may mga ebidensya ang mga ito ay mabuting ihain na lang ito sa Korte pero sa kanyang tantiya possible lang umanong ma-associate si Duterte rito pero malayong madawit ito sa isyu ng POGO.

Read More:  Comelec says it is 95% ready for the BSKE

Pagbabalik-tanaw niya, dati pa lang daw kase sa Davao City ay inutusan na siya nito na magsagawa ng operasyon laban sa mga Chinese kung sakaling mapatunayang sangkot ang mga ito sa illegal na operasyon.

Samantala, iginiit naman niyang dapat munang ma-validate ang mga impormasyon bago ang pagsasagawa ng mga ganitong operasyon.