Batangas City – Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development o DSWD MIMAROPA, hinggil sa mga pekeng account sa social media na nagpapakalat ng mga laming ipmormasyon.
Ayon sa DSWD MIMAROPA, ang naturang account ay nagpapakalat ng maling impormasyon patungkol sa aplikasyon ng DSWD para sa mga tulong pinansiyal gaya ng scholarship at educational assistance.
Kabilang umano sa mga ipinopost ng naturang account ay ang mga pinagtahi-tahi na audio ng balita online.
Kasama rin umano ang mga screen recorded na balita na ginagamit na ginagamit upang mapaniwala ang publiko.
Samantala, nilinaw ng DSWD na wala pa silang inilalabas na specific timeline kung kailan ang distribusyon ng mga educational assistance at mayroon din umanong cash for work program ang naturang ahensya.