Nagpasalamat si Selena Gomez sa kanyang mga tagahanga sa patuloy na pagsuporta at pagpapadala ng pagmamahal sa pamamagitan ng social media, lalo na sa TikTok.
Nag-post si Selena ng “get ready with me” video sa TikTok na nagtatampok ng mga produkto mula sa kanyang brainchild brand na Rare Beauty.
![](https://i0.wp.com/brigadanews.ph/wp-content/uploads/2023/03/TUBIG-SA-BAGA-1024x1024-15.jpg?resize=1024%2C1024&ssl=1)
Ito ang unang pagkakataon na ginamit ng award-winning singer ang voiceover feature ng app at pinuri siya ng mga netizens dahil dito.
Sa ngayon, mayroon na itong 32.1 million viewers sa TikTok video at higit 7 million reactions.//CA