54 anyos na lalaki, arestado sa drug buy-bust operation sa Ligao City

LEGAZPI CITY – Sa kulungan ngayon ang bagsak ng 54 anyos na lalaki sa drug buy-bust operation sa Purok 1, Brgy. Cavasi, Ligao, Albay.

Kinilala ang suspek na si Allan Priagola Pontegon, residente ng nasabing lunsod.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Ayon sa report, gabi nang isagawa ng Ligao CPS ang anti-illegal drug operation sa nabanggit na lugar.

Pinagbentahan nito ang nagpanggap na buyer ng pinaniniwalaang “shabu” at nang magkapalitan na ng item, dito na tuluyang inaresto ang suspek.

Read More:  Maguindanao del Norte barangay captain survives shooting attack

Narekober sa kanya ang apat na piraso ng kaparehong item na may timbang na 1g sa halagang PHP 6,800 at perang PHP 1,000 bilang buy-bust money.

Ang suspek at items ay pansamantalang dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.