Lalaki sa Canada, dalawang beses tinalo ang sariling record bilang may pinaka-mahabang balbas sa mundo

ISANG lalaki sa Canada na si Sarwan Singh makadalawang beses nang tinalo ang kaniyang sariling record na  “World’s Longest Beard” sa Guinness World Record.

Ayon kay Sarwan nagpapahaba siya ng kanyang balbas dahil sa kanyang rehiyon kung saan sinimulan niya ito noong siya ay 17 years old pa lamang.

Una niyang natanggap ang nasabing titulo noong 2008 kung saan umabot ang haba ng kanyang balbas sa 7 feet at 8 inches, makaraan ang dalawang taon natalo niya sa unang pagkakataon ang kanyang sariling record sa haba na 8 feet at 2.5 inches at ngayong 2023  muli niyang natalo ang sarili niyang record sa pangalawang pagkakataon kung saan umabot na ang haba ng kanyang balbas sa sukat na 8 feet at 3 inches.  

Naniniwala si Sarwan na ang mga natatanggap niyang pagkilala ay isang  pagpapala mula sa panginoon.###CD